CABATUAN, ILOILO β Nakiisa ang mga tauhan ng Cabatuan Fire Station, sa pamumuno ni Acting Municipal Fire Marshal SFO4 Jemboy B. Pacardo, sa 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa Cabatuan National Comprehensive High School (CNCHS) noong Huwebes, Hunyo 18, 2026.

Naging bida sa nasabing aktibidad ang mga estudyanteng miyembro ng Batang Empowered and Resilient Team (BERT) ng paaralan, na aktibong nanguna sa paggabay sa kanilang mga kamag-aral sa wastong paglikas.
Sa naturang drill na pinangasiwaan ng NDRRMC, magkatuwang na ipinamalas ng BFP at ng mga miyembro ng BERT ang tamang pagsasagawa ng “Duck, Cover, and Hold” at ang mabilis na koordinasyon sa mga emergency response action upang mapataas ang kahandaan ng komunidad sa panahon ng lindol.
